Iloilo Rep. Garin, naghain na ng piyansa sa kaso kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapaghain na ng piyansa si House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin.

Para ito sa kasong graft kaugnay sa pamamahagi ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Garin ang paghahain ng piyansa ay bahagi ng proseso upang patunayan ang kanilang pagiging inosente.

“Posting bail is part of the agonizing process to prove our innocence. It is a crucial step in ensuring fair trial and safeguarding one’s rights. We hope that this first step into cleansing our name can be dealt with timely so that scientists and doctors can perform our regular tasks,” ani Garin.

Kasama ng mambabatas ang ilan pang medical expert na dawit sa kaso dahil sa pag-realign ng pondo para sa naturang bakuna kontra dengue.

Kabuuang ₱108,000 ang binayarang piyansa ni Garin para sa technical malversation case.

Ipinunto ng mambabatas na mahalagang maresolba na ang isyu dahil ang usapin aniya ng Dengvaxia ay nagdulot ng pagbaba sa tiwala ng pagbabakuna na nagresulta naman ng measles at polio outbreak sa bansa.

“Resolving the issue once and for all is aligned to the Doctors for Truth clamor because global history have taught us that any vaccine demonized, usually spreads to include other vaccine preventable diseases and results to outbreaks,” punto ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us