Agriculture Sec. Laurel, nakipagpulong sa iba’t ibang agri groups

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr., sa ilang mga grupo at stakeholder sa sektor ng agrikultura.

Dumalo ang kalihim sa ikatlong talakayan na inorganisa ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at Coalition for Agriculture Modernization in the Philippines, Inc. (CAMP).

Pinangunahan ito ni Senate Committee on Agriculture and Food Chair Cynthia Villar kasama ang ilang matataas pang opisyal ng gobyerno at agri groups.

Pangunahing tinalakay sa naturang pulong ang ilang mabibigat na isyung kinahaharap ngayon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Kabilang dito ang usapin sa suplay at demand gayundin ang presyo ng mga pangunahing produkto gaya ng bigas, mais, gulay, livestock, at isda.

Tinalakay rin ang mga hakbang para matugunan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular ang bakuna sa mga livestock.

Maging ang usapin sa agricultural smuggling at hoarding ay napag-usapan din.

Ayon naman kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, mahalaga ang kolaborasyon ng bagong kalihim sa agriculture industry tungo sa layuning maisulong ang mga direktiba ni Pangulong Marcos sa sektor. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us