Bantang lahar flow sa paligid ng Bulkang Mayon, kinumpirma ng Phivolcs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Dr. Paul Alanis PHIVOLCS Resident Volcanologist, na mataas ang bantang lahar flow sa paligid ng Bulkang Mayon dahil sa nasa pagitan ng 47 hanggang 49 na milyong cubic meters ang deposito sa paligid ng bundok sa ngayon, bunsod ng pagputok nito sa mga nakalipas na buwan.  Sabi niya, karamihan sa volcanic debris ay naka-imbak sa bahagi ng bulkan na nakaharap sa Lungsod ng Legazpi, mga bayan ng Daraga, Camalig, at Sto Domingo.

Paliwanag ng opisyal, magaganap ito kung magkaroon ng malakas at matagal na pag-ulan sa bisinidad ng Bulkang Mayon.

Tinuran niya rin, sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 46 na volcanic earthquakes, 41 dito volcanic tremor na tumagal sa loob ng 39 na minuto,  may 73 na rock fall events, 3 na Pyroclastic Density Current o PDC, at ang Sulfur Dioxide Emission ay 2,295 metric tons.

Ang bulkan ay nasa Alert level 3 parin ito. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us