Christmas Village sa Albay, bukas na sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit isang buwan na lamang bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan, kaniya-kaniya ng pa-ilaw ang mga sikat na destinasyon sa lalawigan ng Albay.

Bukas na sa publiko ang pinaka-maliwanag at kaakit-akit na Christmas Village sa Albay. Ang Gamboas Orchard na matatagpuan sa Malilipot, Albay kung saan tampok ngayong taon ang Magical Elf Winter Wonderland bilang tema ng nasabing Christmas Village.

Ayon sa may-ari ng sikat na pasyalan na si Engr. Meden Gamboa, isa ang pagdiriwang ng Pasko ang pinaka-masaya sa buhay niya simula pagkabata. Kaya naman labis nilang pinaghandaan ang muling pagpapailaw sa kanilang village.

Ayon naman kay Albay Vice-Governor Glenda Ong-Bongao, ang pagbubukas ng Christmas Village ay senyales ng masaya at mapayapang selebrasyon ng kapaskuhan. Dagdag niya, hangad niya ang pagbabalik liwanag at ngiti sa lahat ng Albayano matapos ang pag-aalburoto ng bulkan at ng pandemya.

Tulong-tulong ang lahat ng staff ng Gamboas Orchard para sa naging konsepto ng Christmas Village ngayong taon.

Ibinida din sa pagbubukas ng village ang ipinagmamalaki ng Bicol na Pastores.

Bukas ang Gamboas Orchard Christmass Village sa publiko hanggang alas-10 ng gabi | via Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us