Pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa BSKE, ikinatuwa ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Department of Education sa Commission on Elections.

Ito’y para sa mabilis at napapanahong pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro at iba pang tauhan ng edukasyon na nagsilbi nitong nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd ngayong araw, sinabi nito na natanggap na ng mga guro at tauhan nito ang 100% ng kanilang election honoraria.

Maliban sa COMELEC, nagpasalamat din ang DepEd sa Public Attorney’s Office, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ito’y para naman sa binigay nilang technical, legal at security assistance sa mga paaralan na pinagdausan ng halalan gayundin sa mga guro na gumanap ng kanilang tungkulin.

Samantala, umaasa naman ang DepEd sa mas matatag na Pilipinas sa tulong ng mga bagong halal na barangay at SK officials. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us