DSWD, iginiit ang suporta para sa mga patapos nang 4Ps beneficiaries

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inulit ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang pangako na susuportahan pa rin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aalis na sa programa.

Sila itong nasuri bilang non-poor sa isinagawang revalidation kamakailan ng ahensya.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez magbibigay ang ahensya ng iba pang mga programa at serbisyo sa mga lalabas nang 4Ps beneficiaries upang tulungan silang mapanatili ang kanilang sariling kakayahan at higit pang mapabuti ang kanilang kagalingan.

Ilan sa mga programa na maaaring i-avail ng 4Ps graduates ay ang Sustainable Livelihood Program (SLP) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

I-eendorso din ng DSWD ang mga patapos nang 4Ps beneficiaries sa kanilang

local government units, kasama ang kanilang case folders.

Ito naman ang gagabay sa Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) sa pagtukoy sa mga programa at serbisyo na maaaring kailanganin ng mga pamilya.

Sa isinagawang revalidation ng DSWD, nasa 339,660 household ang na-assess bilang Level 3 o self-sufficient na awtomatikong inirerekomenda para sa graduation o exit sa programa.

Habang mahigit 760,000 household ang pananatilihin pa sa listahan ng 4Ps beneficiaries.

Ayon sa DSWD, mahigit 1.1 milyong benepisyaryo ang naunang na-assess bilang non-poor sa ilalim ng Listahanan 3 ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us