Isang broadband provider naghatid ng libreng Fiber Wi-Fi sa NAIA Terminal 3 – DOTr  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghatid ng libreng Fiber Wi-Fi connection ang kumpanyang Converge ICT sa mga airline passenger ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na nag-umpisa ngayong araw.

Personal na dumalo si Transportation Secretary Jaime Bautista MIAA Officer in Charge General Manager Brian Co, at Converge ICT CEO Dennis Uy sa pagpapasinaya ng liberng Wi-Fi sa mga airline passenger ng terminal 3.

Ayon kay Converge ICT CEO Dennis Uy, ito ay inisyatibo ng kanilng kumpanya upang magkaroon ng maayos at magandang internet connection ang mga pasahero sa naturang terminal.

Dagdag pa ni Uy, na sa mga suusnod na buwan ay magkakaron na rin ng free fiber Wi-Fi connection sa NAIA terminal 1 at 2 upang maserbisyuhan din ang mga pasahero na ma-a-assign sa naturang mga terminal.

Ayon naman kay DOTr Secretary Jaime Bautista, isang malaking tulong ang libreng Wi-Fi na hatid ng Converge ICT sa airline passengers maging sa pamunuan ng Manila International Airport Authority.

Samantala, taos puso namang nagpasalamat ang kalihim sa ginawang inisyatibo ng naturang kumpanya sa ating paliparan sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us