Higit ₱78-M ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng Oil Spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit P78 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill.

Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 157 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas.

Kahapon lang, nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA ng payout sa mga residenteng benepisyaryo ng Cash-For-Work Program sa munisipalidad ng Naujan at Pinamalayan sa Oriental Mindoro.

Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill.

Kaugnay nito, sa pinakahuling datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of March 27, ay nasa higit 34,000 pamilya pa rin o katumbas ng 165,188 na indibidwal ang apektado ng nangyaring oil spill . | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us