Rep. Ace Barbers, naghayag ng suporta sa bagong Agriculture Secretary sa gitna ng pagkwestyon sa kaniyang educational background

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers para kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa gitna ng mga isyu patungkol sa educational background ng kalihim.

May ilang ulat na lumalabas na sinasabi umano ni Laurel na siya ay alumnus ng University of Santo Tomas (UST) o kung saan mang higher educational institution.

Paglilinaw ni Laurel, hindi niya natapos ang kaniyang kolehiyo para magtrabaho at suportahan ang kaniyang panganay na anak.

Ayon kay Barbers, bagamat mas maigi na may college degree ang isang indibidwal, hindi lang ito ang batayan para masabing kwalipikado sa posisyong pinapasukan.

Katunayan karamihan sa employment application ang experience o karanasan ang nagiging mas matimbang.

Kaya naman aniya kung pagbabatayan ang nasa 40 taong karanasan sa industriya ni Sec. Tiu Laurel ay sapat para hawakan niya ang agriculture portfolio.

Nanawagan din ang mambabatas na suportahan ang kalihim, upang mas mabilis na makamit ang hangarin para sa food security at self-sufficiency imbes na maghanap ng pintas o pagkakamali.

“Having said this, I unconditionally support the appointment of Secretary Laurel-Tiu and offer him any and all assistance that he needs to run the department full speed ahead in service of the people,” diin ni Barbers | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us