Dept. of Agriculture, tiniyak na mananatiling abot-kaya ang presyo ng bigas sa merkado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na may sapat na abot-kayang supply ng bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, halos natapos na ang wet season harvest sa buong bansa. Humigit-kumulang 90 percent ng palay ang naani at binili sa halagang P22 kada kilo.

Sinabi pa ni de Mesa, na ang volume ng palay ay kasalukuyang ibinebenta sa average na P23 to P25 per kilo na farmgate price. 

Ang average retail price para sa regular na well milled ay nasa P42.80 habang ang umiiral na presyo para sa well milled ay nasa P45.

Binigyang-diin pa ni de Mesa, na ang posibleng paggalaw ng presyo ay isang adjustment dahil kakaunti na lamang ang mga lugar na nananatiling harvestable mula sa wet season.

Inaasahang aabot sa 3.063 million metric tons (MMT) ang kabuuang ani para sa Nobyembre at Disyembre.

Dagdag pa nito, na ang national rice outlook para sa taon ay aabot sa humigit-kumulang 20 million Metric Tons. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us