Nagsimula nang magsuplay ng kanilang mga produktong kamatis ang mga magsasaka sa Asipulo, Ifugao Province sa tatlong malalaking kumpanya sa Metro Manila.
Ito’y matapos ang ginawang tulong ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR).
Ayon kay Joan Bacbac, chief ng DA AMAD, resulta ito ng cost structuring na napagkasunduan ng mga Farmers Cooperative Association (FCA), DA-CAR AMAD, at mga kinatawan mula sa World Food Expo (WOFEX).
Sa ilalim ng kasunduan, aabot sa tatlong tonelada ng kamatis ang lingguhan nang isusuplay ng mga magsasaka sa tatlong kumpanya.
“The farmers started the delivery of their tomatoes in October this year to supply around three tons of tomatoes weekly to the three companies in Metro Manila after they have agreed to the cost structure developed by DA-CAR AMAD and WOFEX consistent with the cost envisioned by the FCA,” pahayag ni Bacbac.
Kasunod nito, tina-target naman ng DA na mapalawak pa ang market linkage nito sa iba pang mga magsasaka sa Ifugao.
“Aside from Asipulo, we are also looking forward to other FCA’s in the different municipalities of the province that produce tomatoes to help in supplying other companies in Metro Manila. Asipulo is an example of a market linkage where we look for possible buyers or markets for their products,” ani Bacbac. | ulat ni Merry Ann Bastasa