US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Philippine Army Vice Commander Brig. Gen. Leodevic B. Guinid ang pagbisita ni United States Army Pacific (USARPAC) Deputy Commanding General, Lt. Gen. James B. Jarrard, sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig kahapon.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napag-usapan ang mga nakalinyang bilateral activity sa pagitan ng dalawang pwersa.

Ito ay follow-up sa unang pag-uusap nina Lt. Gen. Jarrad at Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido noong Setyembre.

Matatandaang tinalakay ni Lt. Gen. Jarrad at Lt. Gen. Galido ang pagpapalawig ng mga ehersisyo, pagsasanay at capacity building sa iba’t ibang larangan ng dalawang pwersa.

Partikular na pinagtuunan ng pansin ang capacity-building sa territorial defense, cyber security, humanitarian assistance, warfighting functions, countering terrorism, at human resource development. | ulat ni Leo Sarne

📷: Pvt Vhino Lozano, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us