Isang grupo ang nanawagan sa mga mambabatas na ipaliwanag sa publiko ang rason sa mataas na power rate o singil sa kuryente.
Kasunod na rin ito ng panawagan na repasuhin at buwagin ang prangkisa ng Manila Electric Company (MERALCO).
Ayon sa Infrawatch, matagal nang isyu ang presyo ng kuryente ngunit hindi naipapaliwanag mabuti ang dahilan sa kung bakit ito mas mahal kumpara sa ibang mga bansa.
Paliwanag ni Infrawatch convenor at dating Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon, kung ikukumpara sa ibang mga bansa ang kuryente sa Pilipinas ay hindi subsidized ng gobyerno kaya’t nagre-reflect o lumalabas talaga ang tunay na halaga ng kuryente.
Kadalasan din aniya ng mga paglilinaw ng energy industry, na mayorya ng electricity rate ay napupunta sa power generation gaya ng sa coal, gas at renewable energy.
“The conversations about the country’s electricity rates have been going on for so long and yet many of our decision-makers fail to recognize the real reason behind the higher rates compared to other countries. Unlike many of our neighbors, our rates are not subsidized by our government and therefore reflect the real cost of electricity,” paliwanag ni Ridon
Batay sa datos mula MERALCO, 80% ng kanilang pass through charges ay ibinabayad sa power generation companies, transmission grid operator, at buwis.
Maliban naman sa power rates hiling din ng grupo sa mga lawmaker na silipin ang kalidad ng serbisyo ng kuryente sa iba pang panig ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes