IRR ng Digital Workforce Competitiveness Act, inilabas na ng NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11927 o ang Philippine Digital Workforce Competitiveness Act.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, mahalaga ang pagpapatupad ng nasabing batas upang mapalakas ang mga nasa digital technologies at skills workforce.

Sa ganitong paraan ani Balisacan, makalilikha ito ng isang dynamic innovation ecosystem sa bansa.

Oktubre 23 nang aprubahan ng siyam na miyembro ng Inter-Agency Council (IAC) for the Development and Competitiveness of the Philippine Digital Workforce.

Inaatasan din ng naturang batas ang mga ahensya ng pamahalaan na bumalangkas ng roadmap na siyang magsisilbing batayan sa upskill, re-skill at training sa digital workforce ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us