Inanunsiyo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatuloy ng payout ng cash grants sa may 761,140 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, simula sa Nobyembre 30.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, bukod sa cash grants makakatanggap din ang mga benepisyaryo ng kanilang rice subsidy.
Itinigil ang payout sa 4Ps members kasunod ng isinagawang revalidation ng 4Ps National Project Management Office.
Nakumpleto ang reassessment sa 1,158,249 household na natukoy na non-poor gamit ang Social Welfare and Development Indicators o SWDI tool.
Base sa assessment may 4,242 households ang natukoy na nasa Level 1 o Survival Level; 756,898 sa Level 2 o Subsistence Level; at 339,660 sa Level 3 o Self-Sufficient.
Ang retroactive payout ng reassessed qualified households ay saklaw ng memorandum na nilagdaan ni Secretary Gatchalian para mabayaran ang 4Ps Household beneficiaries mula Enero hanggang Setyembre 2023. | ulat ni Rey Ferrer