MMDA Task Force Special Operations Unit Chief Bong Nebrija, pinatawan ng preventive suspension

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang sinuspinde sa pwesto si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations Unit Chief Bong Nebrija.

Ito ay kaugnay ng inilabas nitong impormasyon na sakay si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ng isang sasakyang nasitang dumaan sa EDSA busway.

Sa maiksing pulong balitaan sa Senado matapos personal na manghingi ng tawad kay Revilla, inanunsyo ni MMDA Chairperson Romando Artes, na epektibo bukas ang preventive suspension kay Nebrija at magtatagal ito ng 15 hanggang 30 araw.

Ipinaliwanag ni Artes na ang preventive suspension ay para bigyang daan ang patas na imbestigasyon sa pangyayari.

Isa sa mga inamin ng MMDA chair na naging pagkakamali ni Nebrija ay ang pagpapalusot at hindi pagbibigay ng ticket sa nahuling driver ng sasakyan na nagsabing sakay niya si Senador Revilla.

Sa naging paghaharap nina Revilla, Nebrija at Artes kanina ay tinanggap na ng senador ang paghingi ng sorry ng dalawa.

Inaako naman ni Nebrija ang kanyang naging pagkakamali.

Bukod kay Nebrija, iniimbestigahan na rin ng MMDA kung sino ang driver ng naturang sasakyan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us