House Dangerous Drugs Panel, inirekomenda ang pagsasampa ng kaso vs. mga pulis na sangkot sa nasabat na halos isang toneladang iligal na droga sa Maynila noong 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirekomenda ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis at iba pang sangkot sa nasabat na 990 kilos ng iligal na droga sa Tondo, Manila noong October 2022. 

Sa higit 30 pahinang Committee Report — kabilang sa rekomendasyon ay sampahan ng kasong kriminal si dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. 

Gayundin ang buong Police anti-drug unit na sangkot, dahil sa pagtatanim ng mga ebidensya at tangkang cover up sa pag-aresto kay Mayo. 

Pinakakasuhan naman ng grave misconduct, at graft and corruption, dahil sa umano’y pagpapalaya kay Mayo sina Police Brigadier General Narciso Domingo, Police Colonel Julian Olonan, Police Lieutenant Colonel Arnulfo Ibanez, at Police Major Michael Angelo Salmingo

Ilan naman sa mga inilatag na hakbang upang hindi na maulit ang katulad na insidente ang:

  • Pag-amyenda sa Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ukol sa pagsira ng mga nasasabat na droga;
  • Pagbuo ng special drug courts;
  • Pagtatayo ng mas “secured” na mga pasilidad, upang maiwasan ang pagnanakaw at recycling ng mga nasasabat na iligal na droga; 
  • Mandatory na paggamit ng body-worn cameras sa lahat ng anti-drug operations;
  • At pagbuo ng national anti-illegal drug coordination body. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us