MMDA Special Ops Task Force, tuloy sa panghuhuli sa mga pasaway na motorista sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy ang trabaho ng Metro Manila Development Authority (MMDA) New Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit sa kabila ng suspensyon ng hepe nitong si Colonel Bong Nebrija.

Sa bahagi ng EDSA Cubao Busway Northbound, maaga pa ring pumwesto ang mga tauhan ng Special Task Force para sitahin ang mga pasaway na motoristang patuloy na dumadaan sa EDSA Busway.

Pansamantalang tumatayong OIC commander ngayon ng task force si Vic Rodriguez.

As of 7am, nasa pito pa lang ang nahuhuli ng MMDA na dumadaan sa exclusive city bus lane kung saan karamihan ay mga TNVS rider.

Ang kadalasan pa ring dahilan ng mga ito ay nagmamadali sa byahe.

Wala pa rin namang nakakalusot sa mga tauhan ng MMDA na hinahabol kahit ang mga nagbabalak na tumakbo.

Ayon sa MMDA, kumpara noong mga nakaraang araw ay nabawasan na ang bilang ng mga nahuhuling motorista sa EDSA Busway.

Batay sa paglilinaw ni MMDA Chair Romando Artes, ang mga maaari lamang dumaan sa Edsa Busway ay LTFRB-authorized buses, mga naka-duty na ambulansya, fire trucks, at
PNP vehicles, EDSA Busway project service vehicles at mga sasakyan ng Presidente, Vice President, Senate President, House Speaker, at Chief Justice. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us