Nakatakdang mamahagi ang Government Service Insurance System o GSIS ng cash gift sa mga retiradong kawani ng gobyerno.
Ayon sa GSIS, ang naturang cash gift ay nagkakahalaga ng P10,000 o katumbas ng isang buwang pensyon ng isang ordinaryong government retiree na mas mababa pa sa naturang halaga ang kanilang natatangap na pensyon mula sa GSIS.
Kaugnay nito, aabot sa apat na bilyong piso ang ipamamahagi ng GSIS sa government retirees sa bansa na kasalukuyang tumatangap ng pensyon sa GSIS.
Ipapamahagi ang naturang cash gift sa unang linggo ng Disyembre. | ulat ni AJ Ignacio