Philippine Army, magpapakitang-gilas sa ASEAN Armies Rifle Meet sa Thailand

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang send-off ceremony para sa mga miyembro ng Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) na lalahok sa 31st Association of South East Asian Nations (ASEAN) Armies Rifle Meet (AARM) 2023 na inorganisa ng Thai Army.

Isinagawa ang seremonya sa Hheadquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.

Kabilang sa PASCON ang 25 shooters at 17 non-shooting staff na makikipagkumpitensya sa AARM 2023 sa Infantry Center, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand.

Ang taunang aktibidad ay itinatag upang ipamalas ang professional goodwill, cooperation, at friendly competition sa pagitan ng mga tropa mula ASEAN region.

Kumpiyansa naman si Lt. Gen. Galido na maipakikita ng shooting team ang husay at galing ng Philippine Army nang may buong dangal at integridad. | ulat ni Leo Sarne

📷: SSg Cesar P. Lopez, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us