Dating Pangulong Rodrigo Duterte, ‘di obligadong humarap sa preliminary investigation ng kasong kinakaharap sa QC Prosecutor’s Office 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito obligadong dumalo sa patawag ng Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong grave threat na kinakaharap nito. 

Ayon sa kanyang abogado at dating tagapagsalita na si Harry Roque, pwedeng abogado lamang ang humarap sa ipinadalang summon at hindi ang dating presidente. 

Sakaling makakuha sila ng kopya ng complaint affidavit, maaari din naman daw magsumite ng kanyang counter affidavit ang dating Pangulo saan mang prosecutor office sa bansa tulad ng Davao. 

Sa December 4 at December 11 ang nakatakdang patawag kay Duterte matapos siyang padalhan ng summon ni Quezon City Assistant Prosecutor Ulric Badiola, para sagutin ang reklamo ni Representative France Castro ng Alliance of Concerned Teachers. 

Nag-ugat ang naturang reklamo matapos umanong pagbantaan ni dating Pangulong Duterte na ito ay papatayin sa kanyang programa sa isang telebisyon. 

Tiniyak ni Atty. Roque, sasagutin ng dating Pangulo ang kaso at hindi niya ito tatalikuran o tatakasan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us