Pinaplanong Christmas caravan ng isang civilian group, ‘di maaaring ipatupad sa Ayungin Shoal dahil sa usaping pang-seguridad, ayon sa NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi suportado ng National Security Council (NSC) ang plano ng isang civilian group na magsagawa ng Christmas Caravan para sa tropa ng pamahalaan na nananatili sa Ayungin Shoal.

Ito ang pahayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, makaraang matanggap ang request ng isang civilian group upang makapaghatid ng ngiti sa mga sundalong naka-poste sa BRP Sierra Madre.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na batid nilang maganda ang layunin ng grupo.

Gayunpaman, usapang pang-seguridad na aniya ang pinag-uusapan dito at alam naman aniya ng lahat na mataas ang tensyon sa Ayungin Shoal.

“Alam naman natin na iyong Ayungin Shoal, hotspot. Mataas ang tension diyan, nagkaroon na diyan ng laser pointing, nagkaroon na ng water cannon, nagkaroon pa ng banggaan at mga dangerous maneuvers.” —ADG Malaya.

Maaari naman aniyang ipadala na lamang ng grupo sa NSC ang kanilang donasyon, at ang Western Command na ang bahalang magdala ng mga ito sa Ayungin Shoal, kasabay ng regular na resupply mission sa lugar.

“So, ikinalulungkot po ng National Security Council na kung ang Ayungin Shoal po ang pag-uusapan ay hindi po namin puwedeng suportahan, we highly discourage itong mga grupong ito from conducting their Christmas Convoy Civilian Mission kahit maganda po iyong layunin because of security concerns.” —ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us