Isang cooperation agreement ang nabuo sa pagitan ng Manila Electric Co. o Meralco at Ultra Safe Nuclear Cooperation (USNC), na may kinalaman sa pagsasagawa ng Pre-Feasibility Study on Micro-Modular Reactors.
Ikinatuwa at pinuri naman ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagsabing isang malaking hakbang ang kasunduan para sa pagtuklas ng mas malinis at mas matatag na energy options sa Bansa.
Sinabi ng Pangulo, na ang cooperative agreement ay nakalinya sa commitment ng pamahalaan na bawasan ang greenhouse gas emissions at mapalakas ang katatagan sa climate change.
Sa ilalim ng kasunduan ng Meralco at USNC, magsasagawa ang dalawa ng feasibility study para sa potential deployment ng Micro Modular Reactors sa Meralco sites.
Matatandaan na sa unang SONA ng Pangulo ay inatasan nito ang Department of Energy at National Economic Development Authority (NEDA), na magsagawa ng pananaliksik para sa pag-develop ng small-scale modular nuclear power plants, subject to compliance with international safety standards and regulations. | ulat ni Alvin Baltazar