Saksi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilagdaang US$20 million joint venture sa pagitan ng Pinoy pharmaceutical company na Lloyd Laboratories at ng US-based na DifGen Pharmaceutic.
Ang nasabing development ay inaasahang magpapalakas sa lokal na produksyon ng gamot sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, importante ang nasabing hakbang na aniya ay tungo sa pagpapalawak ng lokal na produksyon ng bansa, at pagsusulong ng isang competitive at matibay na lokal na industriya ng gamot.
Ang pamumuhunan ng hanggang US$20 million ay gagawin ng Lloyd Laboratories para sa pagtatatag at operasyon ng unang US Food and Drugs Administration approved na pasilidad ng paggawa sa Pilipinas, na inaasahang mag-aambag sa pag-unlad ng posisyon ng Pilipinas bilang isang pangunahing bahagi sa pandaigdigang industriya ng gamot. Iprinisinta nina Lloyd Laboratories at DifGen Pharmaceutic ang kanilang pinirmahang kasunduan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ritz Carlton Hotel sa San Francisco, sa tabi ng kanyang partisipasyon sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit. | ulat ni Alvin Baltazar