Economic Managers, iprinisinta ang economic growth at investment opportunities sa ginanap na Philippine Economic Briefing sa Amerika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang nakamit na paglago ng ekonomiya ng bansa sa harap ng American top businesses sa San Francisco, California.

Sa ginanap na Philippine Economic Briefing sa Estados Unidos, humarap ang economic managers ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang ilang gabinete upang iprisinta ang economic development sa bansa.

Ipinaliwanag ni Diokno, ang consolidation target sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework kung saan nakatuon ang administrasyong Marcos na makamit ang 6.5 to 8 percent growth hanggang 2028.

Dahil aniya sa third quarter growth at positive outlook ng IMF at World Bank sa Pilipinas bilang fastest growing economy sa rehiyong Asya,y kumpiansa ang kalihim na matatamo ang 6 percent target ngayong taon.

Diin ng kalihim, patuloy ang ginagawang mga hakbang ng gobyerno katuwang ang Kongreso upang maisulong ang mga reporma sa polisiya upang gawing mas attractive sa investors ang pamumuhunan sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us