Bagong DA Secretary Laurel, nilatag sa Senado ang mga plano niya sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni bagong talagang Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang tatlong mahahalagang magiging prayoridad niya sa pamamahala sa Department of Agriculture (DA).

Sa budget deliberations kagabi, sinuspinde ng mga senador ang kanilang rules para mapayagan si Laurel na direktang sumagot sa mga katanungan ng mga senador.

Kabilang sa mga ipinangako ni Laurel ang pagpapatupad ng mga hakbang para mabawasan ang importasyon, at ang pagkakaroon ng middleman sa value chain.

Nakatuon din aniya ang kalihim sa pagtupad sa marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang produksyon ng mga lokal na produkto, sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya, modernisasyon at mas maayos na logistics.

Paraan aniya ito para mabawasan ang importasyon, bukod pa sa pagtiyak sa suplay ng mga binhi, pagpapalawak ng irigasyon at pagbibigay ng fertilizers.

Target din ng DA secretary, na ang gobyerno na ang magproseso ng mga produkto na direkta ring dadalhin sa merkado. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us