Inilahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa mga negosyanteng dumalo sa Philippine Economic Briefing sa San Francisco California.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga investor, sinabi nitong magsisilbing dagdag na source at mode of financing para sa mga priority at infrastructure flagship project ng pamahalaan ang Maharlika Investment Fund.
Ang mga proyektong ito sabi ng Pangulo ay nag-aalok ng mataas na rates of return na may mahalagang socio economic impact.
Sa ngayon dagdag ng Pangulo ay nasa 80 mga potensiyal na infrastructure projects ang kanila na aniyang nadetermina, at financeable sa pamamagitan ng maharlika fund.
Inihayag din ng Chief Executive, na sa mga repormang kanilang ipinatutupad sa ekonomiya ng bansa ay nakahanda na ang Pilipinas para maging leading hub sa Asia. | ulat ni Alvin Baltazar