Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang technology companies na maglagak ng kanilang investment sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ng Chief Executive sa dinaluhan nitong roundtable meeting kasama ang mga malalaking pribadong kumpanya at investors na nasa sektor ng teknolohiya.
Ang paghikayat ay ipinurisge ng Punong Ehekutibo, sa harap ng paniniwalang malaki ang maiaambag ng Aritificial Intelligence o AI sa buhay ng mga Pilipino, mapataas ang produksiyon ng mga may negosyo at mapabuti ang kumpetensya ng ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Chief Executive, inaangkop sa kasalukuyan ng Pilipinas ang hinaharap ng AI sa pamamagitan ng pagbuo ng pambansang estratehiya upang palakasin ang umiiral na kasanayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Artificial Intelligence.
Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, handa at bukas ang Pilipinas sa Artificial Intelligence kasabay ng paniniwalang may maitutulong ito sa pag-angat sa buhay ng mga Pilipino.