LTFRB, iniimbestigahan na rin ang kaso ng pamamaslang sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nangyaring pamamaslang sa dalawang pasahero sa isang bus ng Victory Liner sa Carrangalan, Nueva Ecija nitong Miyerkoles ng hapon.

Nag-isyu na ang LTFRB ng show cause order sa kumpanya ng bus para pagpaliwanagin sa nangyaring insidente.

Ayon kay LTFRB Chair Atty. Teofilo Guadiz III, may dalawang dinedetermina ang LTFRB.

Una ay kung nasa tamang ruta ba ang bus na sakop ng kanyang prangkisa.

Ikalawa ay kung naipatupad ba ng kumpanya ang security policy sa mga pasahero ng naturang bus alinsunod na rin sa LTFRB Memorandum Circular.

Kung malinaw naman aniya itong masasagot ng Victory Liner ay wala silang magiging pananagutan.

Gayunman, kung mapapatunayang may kapabayaan sa parte ng bus operator, maaari itong mapatawan ng sanction kabilang na ang suspensyon o kanselasyon ng kanilang prangkisa.

Sa isang pahayag, sinabi na rin ng Victory Liner na nakikipagtulungan na ito sa isinagawang imbestigasyon ng Philippine National Police at tumatayong witness ang kanilang bus driver.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us