Bayanihanomics, inilunsad ng NEDA Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Si Economic Secretary Arsenio M. Balisacan, nagpahayag ng kanyang buong supurta sa National Economic Development Authority o NEDA sa paglulunsad ng Bayanihanomics na may temang “Sama-Samang Pakikilahok para sa Matibay na Ekonomiya, sa audiovisual message ng kalihim sa okasyon.

Ayon kay NEDA Bicol Asst Regional Director Edna Cynthia A. Berces, ang pagdiriwang ng Economic and Financial Literacy Week tuwing ikalawang Linggo ng Buwan ng Nobyembre ay alinsunod sa Republic Act 10922 o lalong kilala bilang Economic and Financial Literacy Act. Salig sa batas, ang National Economic Development Authority o NEDA ay naatasan na pangunahan ang selebrasyon sa tulong ng inter-agency committee on Economic and Financial Literacy. Sinisiguro nito, ang financial literacy sa buong bansa.

Tampok rin sa pagtitipon, ang Briefing for Journalists mula sa mga lalawigan sa Bicol. Tinalakay ang hinggil sa Bicol Regional Development Plan na inilunsad noong July 202. Ito ang blueprint o roadmap na tatahakin ng rehiyon mula taong 2023 hanggang 2028, sa lood ng panunungkulang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  Ito rin ang 2nd medium term development plan na nakapalaman sa Ambisyon Natin 2040. Kinakatawan nito ang aspirasyon ng mga Filipino sa kanilang sarili at sa bansa, upang makamit ang Matatag, Maginhawa, at Panatag na buhay para sa lahat.”

Diin ni Berces, batay rin ito sa 8th point socioeconomic agenda and United Nations” Sustainable Development Goals o SDGs ng pangulo.

Ayon naman kay PIA Bicol Regional Director Ramil A. Marianito Chairperson ng Regional Plan Advocacy Committee o RPAC ng Regional Development Council, ang briefing ay panimulang aktibidad ng komite sa tulong ng media.  Aniya marami ang inilatag na aktibidad ukol dito.

Kinikilala niya, ang Media bilang advocacy champion ukol sa mga informasyon na dapat malaman ng mga Bicolano, hinggil sa Bicol Regional Development Plan 2023-2028.

Magpapatuloy ang advocacy campaign, sa pamamagitan ng mga information materials, regional caravan at media fora na iikot sa anim na lalawigan sa rehiyon.

Palalakasin ang kolaborasyon at ugnayan sa government at private media.  | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us