Mga senador, nanawagan sa DOLE na rebyuhin ang employment certificates na iginawad sa POGO workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang mga senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) na i-revoke ang mga employment permit na ibinigay sa mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na kamakailan ay na-raid ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga iligal na aktibidad.

Sa naging plenary deliberations ng senado sa proposed 2024 budget ng DOLE, natanong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung ilan ang mga nabigyan ng ahensya ng alien employment certificate (AEC).

Tugon naman ng sponsor ng DOLE budget na si Senadora Loren Legarda, hanggang nitong October 31 ay nasa 42,409 AEC ang naibigay sa POGO workers.

Sa kabuuan, may 60,541 AEC na ibinigay sa mga dayuhang manggagawa dito sa Pilipinas.

Ipinagtataka naman ni Legarda na sa kabila ng kabi-kabilaang raid sa mga POGO na sangkot sa mga iligal na aktibidad ay wala pang nire-revoke na AEPs ang ahensya.

Hinimok naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang DOLE na maging mas istrikto sa monitoring ng mga dayuhang manggagawa.

Inimbitahan din ni Zubiri ang DOLE na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pag-iisyu ng government IDs at Philippine passports sa mga dayuhan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us