Isinusulong ni Senador Robin Padilla na paglaanan ng pondo ang pangkabuhayan ng rebel returnees kasama na ang 14,000 mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa naging budget deliberation ng panukalang pondo ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), sinabi ni Padilla na ito ay para matiyak na hindi mapupunta sa wala ang mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan.
Iginiit ng senador na dapat makipag-ugnayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pamahalaan para rito.
Sinabi naman ng sponsor ng panukalang pondo ng OPAPRU na si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ang bawat MILF returnee ay may isang milyong pisong socio-economic package, kasama na dito ang P100,000 cash assistance at non-cash aid tulad ng livelihood program at socio-economic assistance kasama ang livelihood assistance at skills training.
Para sa susunod na taon, may 14,000 na MILF combatants na nakatakdang tumanggap ng ganitong tulong..
Gayunpaman, dahil P899.3 million lang ang nakalaang pondo ay kulang pa ito.
Umapela naman si Padilla na matugunan ito para hindi mapeligro ang normalization process. | ulat ni Nimfa Asuncion