Tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA ang contingency plan kaugnay sa maaring pagkagambala ng operation flights sa NAIA Terminals sakaling simulan na ang rehabilitasyon.
Matatandaang una nang kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na may walong kumpanya ang may potensyal na nagpahayag ng kanilang interes para sa P170.6 billion rehabilitation project sa NAIA.
Anim sa walong potential bidders ay mga dayuhang kumpanya, habang ang isa sa dalawang lokal na kumpanya ay may foreign participation.
Ang pag-award sa mapipiling bidder ay isasagawa sa unang quarter ng 2024. | ulat ni AJ Ignacio