Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Phillipines opisyal nang gagawing local fund managers ng Social Security System o SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang gagawing local fund manager ng Social Security System (SSS) ang dalawang government owned banks sa bansa ito ay ang Landbank of the Philippines at ang Development Bank of the Philippines para hawakan ang kanilang investible funds sa bansa.

Ayon sa landbank na isang malaking hamon ito sa bilang opisyal na banko ng pamahalaan na hawakan nito ang investible funds ng SSS.

Ayon naman kay SSS President at General Manager Rolando Macasaet na nasa dalawang bilyong piso ang kabuuang ilalagay na investment ng SSS sa dalawang government owned bank at tiyak na kikita pa ang naturang halaga sa naturang mga bangko.

Sahuli, nangako ang Landbank at DBP na papalaguin nila ang naturang investment ng SSS upang maibalik ito sa mga miyembro at pensioners ng SSS. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us