PH Embassy sa Israel, magkakaloob ng psychological support sa mga OFW na apektado ng Israel-Hamas conflict

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv, Israel na magbibigay ito ng psychological support sa mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at militanteng grupo na Hamas.

Una rito, nagkaroon ng pagpupulong ang Philippine Red Cross, Department of Migrant Workers (DMW) at Philippine Embassy sa Tel-Aviv, Israel online para talakayin ang mga probisyon ng online psychological first aid at makontak ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Una nang hiniling ni PH Ambassador to Israel, H.E Pedro Laylo, sa PRC, sa pamamagitan ng sulat na ipinadala kay Chairperson at CEO Dick Gordon, na magsagawa ng online psychological support.

Kaagad namang inatasan ni Gordon ang PRC Welfare Services na makipag-ugnayan sa kanila at gumawa ng proseso upang maibigay ang kanilang mga serbisyong psychological support online sa mga OFW. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us