DSWD, nakapaglaan na ng P5.4-M halaga ng ayuda sa Pinoy repatriates mula sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang Overseas Filipinos (OFs) na na-repatriate mula sa Israel.

Sa datos ng DSWD, mula nang magsimula ang repatriation noong Oktubre hanggang nitong November 14 ay aabot na sa 272 OFWs at OFs ang natulungan ng kagawaran.

Ang mga ito ay inilikas mula sa Israel, Lebanon, West Bank, at Palestine.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, aabot na sa P5.4 milyong halaga ng assistance ang naipaabot nito sa mga repatriate.

Bawat benepisyaryo ay nakakatanggap ng P10,000 cash aid at karagdagan pang P10,000 food assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Tiniyak naman ng DSWD na patuloy na makikipag-ugnayan ito sa iba pang mga ahensya sa pagsubaybay sa lagay ng mga umuwing Pinoy para mabigyan ng tulong lalo’t ang mga ito ay nawalan ng trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us