Sec. Galvez, nagpasalamat sa senado sa pag-apruba ng 7 bilyong “Peace Budget” ng OPAPRU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez Jr. sa pag-apruba ng Senado ng halos 7 bilyong pisong “peace budget” ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Pinasalamatan ni Galvez si Senate President Juan Miguel Zubiri; si Sen. Ronald “Bato” De la Rosa, na nag-sponsor ng budget ng OPAPRU; Senator Sonny Angara, na Chair ng Committee on Finance, at iba pang mga Senador sa kanilang suporta sa OPAPRU sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Sinabi ni Galvez na umaasa siyang patuloy na makakasama ang mga Senador sa paglikha ng kapaligiran na kaaya-aya sa pag-usbong ng kapayapaan at kaunlaran.

Sa pag-apruba ng Senado, ang budget ng OPAPRU ay tatalakayin sa bicameral ng dalawang kapulungan ng Kongresso para maisama sa 2024 National Budget.

Malaking bahagi ng halos 7 bilyong “peace budget” ng OPAPRU ay pampondo sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program, para sa livelihood programs, sistema ng inuming tubig at ilaw, mga daan at tulay, irigasyon, at peace and development training Centers sa mga Conflict areas at bulnerableng lugar sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us