BSP Gov. Eli Remolona, target na ibaba sa 1% ang remittance fee na binabayaran ng mga Pinoy abroad tuwing nagpapadala sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang remittance fee mula 5% to 1% via Bank International Settlements BIS Nexus Project.

Ito ang inihayag ni BSP Governor Eli M. Remolona Jr. sa ginanap na US investors briefing.

Sa ngayon kasi may 5% charge ang ipinapadalang remittance ng mga kababayang Pinoy sa Pilipinas, at kapag natuloy ang plano sa ilalim ng global Nexus, bababa ito ng 3% at kinalaunan ay 1%.

Ang Nexus ay isang prototype na dinevelop ng BIS innovation hub Singapore Centre na may banko sa Italy, Malaysia at Singapore na siyang kokonekta na lamang sa payment system operators sa Eurosystem’s Target Instant Payment Settlement, Malaysia Real-time Payments Platform at Singapore’s Fast and Secure Transfers. Ayon kay BSP Gov. Eli Remolona, patuloy ang kanilang pakikipag-uganayan sa ASEAN partners upang i-develop and Nexus payment system na naglalayon ng digital and interoperable, upang mabawasan ang binabayarang fees tuwing nagpapadala ang ating mga kababayan abroad. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us