174 indibidwal sa Davao City, inilikas dahil sa bumagsak na crane matapos ang lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 174 na mga indibidwal sa Davao City ang inilikas matapos yumanig ang lindol sa lungsod nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 17, 2023.

Sa inilabas na report ng Davao City Police Office, ang mga inilikas na mga indibidwal ay malapit sa bumagsak na crane ng Paragon Building sa SIR Phase 2, Matina.

Base sa report, matapos mabali ang crane ng building, bumagsak umano ito sa tahanan ng isang 77 anyos na residente sa nasabing lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente pero kinakailangang paalisin pansamantala ang residente upang masiguro ang kaligtasan nito sa posibleng debris na mahulog mula sa gusali.

Pansamantalang mamamalagi ang mga indibidwal sa Barangay Covered habang patuloy ang isinasagawang ebalwasyon sa gusali at mismong sa lugar ng mga residente. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us