LTFRB, tiniyak na hindi magkakaroon ng jeepney phaseout; Mga PUJ, hinikayat na sumali sa ‘jeepney consolidation’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na walang mangyayaring jeepney phaseout sa bansa kapag natapos na ang deadline para sa franchise consolidation ng mga public utility jeepney (PUJ).

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, batay sa pag-aaral ng ahensya, laganap ang ‘fake news’ na nangyayari sa mga driver at operator. Aniya, kinakatakutan kasi ng mga tsuper ngayon ‘yung phase out kapag nag-consolidate o bumuo ng kooperatibe o korporasyon.

Bnigyang diin naman ni Guadiz, na bagamat kailangan na matapos ang consolidation sa December 31, 2023, hindi nangangahulugan na hindi na papayagan sa mga lansangan ang mga traditional jeepney.

Paliwanag ng opisyal, ang hinihingi lang ng LTFRB sa mga PUJ driver at operator ay yung tinatawag na substantial compliance. Ibig sabihin, kapag nag-file at compliant na kahit hindi pa tapos ay maituturing na consolidated, kaya pwede pa aniyang tumakbo ang kanilang ruta.

Siniguro naman ng LTFRB, na bibigyan sila ng sapat na panahon para makumpleto ang consolidation process at bumuo ng kooperatiba at korporasyon.

Sa ngayon, ani Guadiz, nasa 60% na ng mga PUJ sa Pilipinas ang consolidated na batay sa datos ng LTFRB hanggang nitong October kaya masasabing tumaas na aniya ang degree of acceptance sa mga driver at operator. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us