Ilang mga naging Pangulo ng Republika ang napag-alamang isinaalang- alang na din noon pa ang pagkakaroon ng enerhiyang nukleyar para sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Energy Secretary Rafael Lotilla sa isinagawang paglagda ng Philippines-United States Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang 123 Agreement.
Sinabi ni Lotilla na nagsimulang naikonsidera ng pamahalaan na mamuhunan sa nuclear energy noon pang panahon ni dating Pangulong Carlos Garcia.
Ilan din ayon kay Lotilla sa mga nagdaang pangulo ang nagpursigeng magkaroon ng nuclear power plant ay sina former President Ramon Magsaysay, former President Diosdado Macapagal hanggang kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Naibalik ito sa ilalim ngayon ng liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung saan ay naging posible ang pagkakaroon ng
agreement sa Estados Unidos para sa pagkakaroon ng nuclear power na tiyak aniyang compliant sa standards ng International Atomic Energy Agency.| ulat ni Alvin Baltazar