Drug den sa Quezon City, nadiskubre ng PDEA at QCPD, apat na drug personality, naaresto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat na drug personality ang naaresto nang salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Commonwealth, Quezon City kagabi.

Hawak na ng PDEA ang apat na sina John Mico Dayao, na kabilang sa regional target list, Glenn Dayao, Julie Ann Relano at Aira Clarisse Molon.

Nakuha mula sa kanila ang humigit kumulang na 15 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy-bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Bandang alas-7:30 kagabi ng ikasa ng mga tauhan ng PDEA National Capital Region – Quezon City District Office at QCPD Police Station-6 ang buy-bust operation sa lugar.

Bago ang pagsalakay, isinailalim muna sa surveillance operation ang nadiskubreng drug den at nang makumpirma ay saka isinagawa ang operasyon.

Kasong paglabag sa article II ng RA9165 ang isasampa ng PDEA laban sa mga naarestong drug personality. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us