Sinseridad, mahalagang sangkap sa magiging tuloy – tuloy na komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at China patungkol sa mga kamakailang kaganapan sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na importante ang sinseridad sa gitna ng komunikasyong inaasahang magaganap sa pagitan ng Pilipinas at China para ganap ng maiwasan ang mga kamakailang ganap sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Philippine Media Delegation sa Pangulo, sinabi nitong kailangan ang sinseridad kung nais talagang mapanatili ang kapayapaan.

Kaugnay nito’y naniniwala naman ang Chief Executive na kapwa sinsero ang dalawang partido sa pagnanais ng China at ng Pilipinas upang maresolba ang ano mang nangyaring tensiyon sa WPS.

Tiyak sabi ni Pangulong Marcos na walang may nais ng giyera sa magkabilang panig kaya’t sinisikap ngang mapag-usapan ang bagay na may kinalaman sa mga kamakailang pangyayari sa WPS.

Ilang mga mekanismo sabi ng Presidente ang kanilang naiisip na gamitin ng China upang hindi na lumala pa ang tensiyon aa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us