Naka-monitor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ginagawang hakbang ng ibat- ibang ahensiya ng pamahalaan kasunod ng pagyanig na tumama sa Davao Occidental.
Sa panayam sa Pangulo ng Philippine Media Delegation sa San Francisco California, sinabi nitong alam na ng concerned government agencies ang kanilang gagawin at Hindi na niya kailangan pang magbigay ng direktiba sa mga ito.
Nagbibigay aniya ang mga ito ng report sa kanya at Hindi na kailangan pang tanungin kung ano ang susunod na hakbang na ipatutupad.
Samantala, handa aniya siyang putulin ang kanyang biyahe at umuwi kung kailangan.
Ito ay kung may dapat gawin na Hindi magagawa ng iBang opisyal ng pamahalaan kundi tanging siya lamang ang maaaring makagawa.
Ganunpaman, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang alam na ng mga kinauukulan ang kanilang gagawin at tuloy tuloy ang pagbibigay sa kanya ng update ng mga ito. | ulat ni Alvin Baltazar