Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masanay sa Tiktok ang mga local sellers partikular sa mga rural areas para mai-promote ang kanilang mga produkto.
Ayon sa Pangulo, gusto nilang mabigyan ng kasanayan ang mga lokal na nagtitinda sa mas liblib na bahagi ng bansa sa paggamit ng nasabing platform.
Sa popularidad ng Tiktok, sabi ng Punong Ehekutibo ay tiyak na makakatulong ang nasabing platform sa mga lokal na nagtitinda para sa marketing ng kanilang mga produkto.
Kaugnay nito’y nakipag-partner ang Pangulo sa nasabing short-form video hosting service para sa tinatawag na ‘edutainment,” o educational and entertainment na naglalayong makatulong sa small scale sellers at entrepreneurs.
Sa pamamagitan aniya ng TikTok ay mabibigyang diin ang mga lokal na produkto partikular ng mga maliliit na nagtitinda.| ulat ni Alvin Baltazar