RTF-ELCAC, patuloy sa information at education drive laban sa CTG sa Cagayan province

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang isinasagawang information and education drive ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa mga eskwelahan sa Cagayan para maiwasang ma-recruit ng Communist Terrorist Group (CTG) ang mga mag-aaral.

Mahigit 400 estudyante ng Junior at Senior High School ng Dadda National High School, sa Barangay Dadda, Amulung ang nabigyang-kaalaman, sa pangunguna ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 02.

Katuwang ang mga kasundaluhan ng 95th Infantry Battalion, kapulisan ng Amulung, at maging ang mga guro ng eskwelahan, tinalakay ng NICA-Region 02 ang mga taktika ng CPP-NPA sa pagre-recruit ng mga kabataan sa loob ng mga paaralan na karaniwang talamak na ginagawa sa mga kanayunan. | ulat ni April Racho| RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us