Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ikinokonsidera ang pakikipag-partner sa US technology giant na Starlink para mapalakas ang internet connectivity ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng pakikipag-partner sa kilalang US technology giant na Starlink.

Ito’y para sa mas malakas na internet connectivity.

Sa harap ng Filipino Community sa Los Angeles ay inihayag ng Pangulo na nagkaroon siya ng tour facility sa pasilidad ng SpaceX at ito’y sa gitna ng nakikita niyang pangangailangan para sa Pilipinas na mabigyan ng satellite broadband para sa mas mabilis at mas maayos na internet sa bansa.

Maaari aniyang makabenepisyo ang Pilipinas sa American technology partikular sa aspeto ng communication, digitalization at connectivity.

Kaugnay nitoy sinabi ni Pangulong Marcos na kanya nang inatasan si DICT Secretary John Ivan Uy na tiyaking maisusulong at magiging matagumpay ang target na proyekto sa harap ng pagkakaroon na ng satellite communications design para sa Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us