Mga kaibigang nag-alaga sa pamilya Marcos sa Hawaii noong 1986, inaasahang makita ng Pangulo ni sa kanyang Hawaii visit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais na makita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kaibigan sa Hawaii na hindi bumitaw at nag-aruga sa kanilang pamilya simula noong 1986.

Sa harap ito ng nakatakdang gagawing pangungumusta ng Chief Executive sa Filipino community sa Hawaii.

Ayon sa Pangulo, gusto niyang puntahan ang aniya’y old friends na kumalinga at nag-alaga sa kanila na may puwang sa kanyang puso.

Nag-abiso na aniya siya sa ilan sa mga ito na siya’y pupunta sa Hawaii at sinabihang dapat silang magpakita sa kanya gayong gustong gusto niyang makita ang mga ito matapos ang napakaraming taon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us