Umabot na sa 15,748 ang bilang ng mga indibidwal ang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental noong November 17.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng higit 3,500 na pamilya mula sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Wala namang mga pamilya ang inilikas kasunod ng malakas na lindol bagamat nakapagtala na rin ang kagawaran ng 96
kabahayan na labis na napinsala habang 663 ang partially damaged.
Aabot naman na sa halos ₱11-milyon ang halaga ng Humanitarian Assistance na naipamahagi ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga apektado ng lindol.
Nitong Linggo, personal na ring nagtungo si DSWD Secretary Gatchalian sa GenSan para i-monitor ang relief operations ng ahensya sa lalawigan.
Nagtungo rin ito sa St. Elizabeth Hospital, Inc. para bisitahin ang mga pasyenteng nagre-recover mula sa malakas na lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa