Dumaan sa pag-aaral ang 25 coconut farmers sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte sa loob ng 12 araw ng Sabado.
Ito ay inaral ng mga magsasaka ng niyog ang kahalagan ng mga bagong pamamaraan mula sa pagdetermina ng klase nito, paglalagay ng abono na malayo sa tubig dagat, distansya ng bawat itatanim na seedlings at iba pa.
Ayon kay Ms. Elizabeth Benemerito, chairman ng Del Mar Shellcraft Multipurpose Cooperative, nagtulungan ang kooperatiba, IMA Integrated Farm, LGU Pagudpud, at Agricultural Training Institute ng Region para sa pag-aaral ng libre ang mga coconut farmers.
Umaasa si Benemerito na mas matututunan pa ng mga coconut farmers ang pag-aalaga ng niyog para mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Nabatid na mayroon ding Coconut Hybridization program ng PCA kung saan aaralin ang tamang pangangalaga sa mga hybrid varieties mula sa pagusbong hanggang sa pamumunga nito. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag